Klase ilang lugar sa bansa, suspendido dahil sa masamang panahon

by Radyo La Verdad | August 13, 2018 (Monday) | 4515

Suspendido ang klase ngayong araw sa mga paaralan sa ilang lugar sa bansa dahil sa nararanasang mga pag-ulan at pagbaha.

Kagabi pa lamang ay inanunsyo na ang class suspension sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lahat ng syudad sa buong Metro Manila kabilang na sa munisipalidad ng Pateros, gayundin sa buong Cordillera Administrative Region, Benguet Province, Pampanga Province, Bataan Province, Bulacan Province, Rizal Province at Cavite Province.

Kasama rin sa walang pasok sa Pangasinan ang mga bayan ng Binley, Dagupan, Lingayen at Sta. Barbara.

Wala ring pasok sa mga bayan ng Angat, Balagtas, Baliwag, Bocaue, Bulakan, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Malolos, Marilao, Meycauayan, Obando, Pandi, Paombong, Plaridel, Pulilan, San Ildefonso, San Jose at San Miguel Bulacan.

Maging sa mga bayan ng Anao, Bamban, Camiling, Capas, Concepcion, La Paz, Moncada at Paniqui Tarlac ay wala munang klase.

Sa Zambales sa mga bayan ng Botolan, Iba, Masinloc, Olongapo City, Sta. Cruz at Olongapo City.

Habang sa Laguna naman ay wala ring pasok sa mga bayan ng Biñan, Calamba, San Pedro at Sta. Rosa.

Preschool to senior high school naman sa Tarlac Province at Sagada  Mt. Province, gayundin ang elementary level sa Ilocos Norte Province.

Tags: , ,