Kingdom of Saudi Arabia, naghahanap ng 1M na Filipno skilled workers

by Radyo La Verdad | May 31, 2023 (Wednesday) | 1195

METRO MANILA – Nangangailangan ngayong ng nasa 1 milyong  mangagawang Pilipino ang Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, ganito karami ang job opportunities na bubuksan ng KSA para sa mga Pilipino sa loob ng susunod na 2 taon.

Target ng KSA government na makapag-hire ng mga skilled Filipino workers, para sa planong pagpapalakas ng kanilang tourism industry.

Ilan sa mga trabahong hinahanap ng KSA labor market ay ang mga mangagawa sa industriya ng hotel and restaurant management, construction at information technology.

Sa tala ng DMW, mayroong 700,000 Filipinos ang nagta-trabaho  sa Saudi Arabia.

Samantala bukod sa Saudi Arabia, may iba pang mga bansa ang posibleng maging labor market para sa mga OFW, kabilang na rito ang United Arab Emirates, Austria, Guam, Portugal, Romania, Hungary, Czech Republic at Canada.

Tags: ,