Pinapa-subpoena o pinatatawag ng prosekusyon ang isang kinatawan ng bangko upang tumestigo laban kay Sen. Bong Revilla sa kasong plunder.
Sa mosyon sa Sandiganbayan 1st Division, hinihiling ng prosekusyon na humarap sa preliminary conference sa April 4 ang ilang opsiyal ng Philippine Saving Bank ng Paseo de Roxas, Makati branch.
Ipinadadala rin sa opisyal ng bangko ang mga dokumento sa isang time deposit account ni Revilla na maaaring pinaglagyan di-umanong pera mula sa Pork Barrel Scam.
Hindi pa natutuloy ang paglilitis sa kasong plunder ni Sen. Revilla dahil hindi pa tapos ang preliminary conference kung saan minamarkahan ang mga ebidensya na gagamitin sa Korte.
Isa si Sen. Revilla sa mga nakasuhan sa Sandiganbayan dahil sa umano’y pagbubulsa ng mahigit 200 million mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund mula sa PDAF Scam.
Kasalukuyan siyang nakaditine sa PNP Custodial Center matapos ideny ng Sandiganbayan ang kanyang bail petition sa kasong plunder.
(Joyce Balancio/UNTV NEWS)
Tags: Philippine Saving Bank, Sandiganbayan, Sandiganbayan 1st Division