Kilos protesta sa pagbabawal ng UV express sa EDSA, isinagawa ng mga driver, operator at commuter

by Radyo La Verdad | August 16, 2016 (Tuesday) | 8064

uv-express
Nanawagan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Alyansang Unity of Drivers,Ooperators, and Commuters Against EDSA ban of UV express o People’s UV Against EDSA Ban na ipawalang bisa ang memo-circular 2016-009 na nagbabawal sa mga UV express na dumaan sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa spokesperson ng naturang alyansa na si Rogelio Castillo, nabigla ang mga pasahero, driver, at operator sa pagbabawal ng mga uv express sa EDSA simula noong ika-3 ng Agosto.

Dagdag pa ni Castillo, na-doble ang travel time dahil dumadaan na sa iba’t ibang ruta ang mga UV express.

Dahilan upang mabawasan ang kanilang mga pasahero na ngayo’y pinipiling magsisiksikan na lamang sa mga bus.

Ayon naman kay George San Mateo, pangulo ng pinag isang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide o PISTON, hindi dumaan ang memo circular sa masusing pag aaral o sa anumang public consultation.

Nauna nang sinabi ng LTRFB na ang pagbabawal sa mga UV express sa EDSA ay isang paraan upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa naturang kalsada.

Inaasahan namang magkakaroon bukas ng dayalogo sa pagitan ng People’s UV Against EDSA Ban at Department of Transportation.

(Yoshiko Sata/UNTV Radio)

Tags: ,