Nauwi sa karahasan ang protesta ng mga estudyante ng National Federico Villarreal University sa Lima, Peru.
Nakipagbatuhan ng bato at teargas ang mga estudyante matapos na pigilan ng mga otoridad na makalapit sa congress building.
Ang kilos protesta ay bunsod ng umanoy kontrobersiya ng vote buying at korapsyon sa idinaos na eleksyon para mga bagong mamumuno sa unibersidad.
Tags: kilos-protesta, mga estudyante sa Peru, nauwi sa karahasan