Kidnap threat sa Central Visayas, kinumpirma ng PNP

by Radyo La Verdad | April 10, 2017 (Monday) | 2061


Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na mayroon silang natanggap na “kidnap threat” sa Central Visayas.

Tiniyak naman ni Gen. Dela Rosa na may ginagawa na silang aksyon para labanan ito.

Ayon naman kay PCSupt. Noli Talino, Regional Director ng PRO-7, nanatiling nasa full alert status ang mga pulis.

Nakipag-coordinate na rin ang mga pulis sa hotel at resort owners upang matiyak ang seguridad hindi lamang ng mga turista kundi maging ng mga kababayan natin.

Bagaman hindi idinetalye ang laman ng intelligence report, tiniyak naman ni Dela Rosa na handa ang PNP na harapin ang naturang banta sa seguridad ng bansa.

Una nang nagbabala ang US Embassy sa kanilang mga mamamayan sa Central Visayas na mag-ingat.

Kasunod ito ng natanggap umano nilang “unsubstantiated yet credible” information na posibleng pagdukot ng mga terrorist group ang sa naturang lugar.

Nagpaalala rin si Dela Rosa sa mga turista sa bansa na iwasan ang pagtungo sa mga lugar na kung saan may mga nangyari nang kidnapping incidents at kilalang pinagkukutaan ng Abu Sayyaf Group.

(Mon Jocson)

Tags: , ,