Kian Delos Santos , negative sa paraffin test ng PNP Crime Lab

by Radyo La Verdad | August 24, 2017 (Thursday) | 4007

Negatibo sa gun powder nitrate batay sa paraffin test ng PNP Crime Lab si Kian Delos Santos. Ang paraffin test ay isinasagawa upang malaman kung gumamit ba ng baril ang isang tao. Subalit ginawa ang test matapos ma embalsamo si Kian. Ayon sa PNP Crime Lab, maaaring mabura ang ilang ebidensya sa katawan ng tao kung ito ay ma-eembalsamo.

Kinontra naman ng autopsy report ng PNP Crime Lab ang autopsy na ginawa ng PAO Forensic Team. Dalawa at hindi tatlong tama ng baril ang pumatay kay Kian. Wala ring “soot” at “stiplling” na mga senyales na binaril ng malapitan si Kian.

Ayon naman sa Public Attorneys Office, hindi naman ito makakaapekto sa kaso laban sa mga pulis. Bukas ay magsasagawa ng imbestigasyon ang senado at nakahanda ang PNP Crime Lab upang ibigay ang buong detalye ng kanilang eksaminasyon.

 

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

Tags: , ,