Kennon Road, sarado pa rin dahil sa mga pagguho ng lupa at bato

by dennis | July 14, 2015 (Tuesday) | 2334

viber image10

Dalawa ang naitalang namatay sa nagyaring pagguho sa Kennon Road, Baguio City kung saan natabunan ang dalawang sasakyan kahapon.

Ito’y matapos bawian ng buhay ang isa sa mga biktima na unang itinakbo sa Baguio General Hospital na nakilalang si Teresita de Guzman, 61 taong gulang tubong Malasiqui, Pangasinan na nagtamo ng multiple fractures sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Una naideklara na dead on arrival si Marjorie Magsino, 30 anyos taga Urdaneta, Pangasinan na nagtamo ng traumatic brain injury at multiple physical injuries.

Samantala nakauwi na ang mga sugatan na sina Ernesto Luis, 40 taong gulang, driver ng van tubong La Trinidad, Benguet, Phing de Guzman, 42; Henry Eugenio 46; at si Mary Jane Lovino 32.

Sa tala ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) aabot sa mahigit 10 metro ang taas at mahigit 50 metro ang lawak nang nasabing pagguho.

Dahil dito pansamantalang sarado ang Kennon Road dahil sa isinasagawang clearing operation sa mga landslide sa lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na aakyat ng Baguio City na maaring dumaan sa Naguilian Road at Marcos Highway.

Sa mga bababa naman ay maaaring bumiyahe pababa ng Kennon Road hanggang Camp 6 lamang ng Kennon Road.

Tags: ,