Kawalan ng sports facilities at Marawi crisis, dahilan ng pag-atras ng Pilipinas sa 2019 Sea Games hosting – PSC

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 2132


Hindi lang ang nangyayaring kaguluhan sa Marawi City ang dahilan kung bakit inirekomenda ng philippine sports commission na i-withdraw ng pilipinas ang pagho-host sa 2019 Southeast Asian games.

Ayon sa PSC, kulang ang ating sports facilities at may mga hindi pa naaayos na usapin ang Philippine Olmypics Committee. Halimbawa rito ay ang ini-issue ng Commission on Audit na notice of disallowance na higit 27 milyong piso.

Ito ang nakitang iregularidad sa POC nang maghost ang Pilipinas sa 2005 SEA Games. Tinatayang 500 hanggang 700 milyong piso ang posibleng gastusin ng pamahalaan sa hosting ng SEA Games.

Samantala, ikinabahala naman ng PSC ang nakalap nitong ulat hinggil sa ilang kabataang bakwit mula sa Marawi City na umano’y iniidolo ang teroristang ISIS. Ayon umano sa mga bata, nakikita nila ang mga itong namimigay ng pagkain at nagpapasweldo sa kanilang mga tatay.

Nakasalamuha ng mga taga-PSC ang mga kabataang ito nang magsagawa sila ng children’s game for peace sa Iligan City kamakailan.

Kaya naman, binabalak ng pamahalaang paigtingin pa ang sports activities para sa mga bata hindi lang sa mga taga-marawi kundi maging sa iba pang lugar sa mindanao kung saan exposed ang mga bata sa conflict.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,