Kawalan ng parusa sa mga power producer na nagkaroon ng “Unscheduled Outages”, nakwestiyon ng mga mambabatas

by Erika Endraca | April 26, 2019 (Friday) | 5444

Manila, Philippines – Nakuwestiyon ng ilang mambabatas sa pagdinig sa senado kahapon ang kawalan ng parusa sa mga power producer na nagkaroon ng hindi inaasahang maintenance shutdown na siyang dahilan kaya numinipis ang supply ng kuryente partikular na sa Luzon.

Kahapon nagsagawa ng imbestigasyon sa senado kaugnay ng pagnipis sa supply ng kuryente sa Luzon grid dahil sa mga unplanned maintenance shutdown ng ilang power plant.

Binusisi ng Committee on Energy ng 2 kapulungan ng Kongreso ang Energy Regulatory Board at Department of Energy (DOE) ang mga hakbang nito upang matugunan ang problema sa kakulungan ng supply ng kuryente tuwing sumasapit ang taginit.

Ipinagtataka ng mga mambabatas kung bakit halos sabay-sabay nagkakaroon ng mga hindi ina-asahang maintenance shutdown o unscheduled outages ang mga power plant.

Dito na nakwestiyon kung bakit walang malinaw na polisiya tungkol sa pagpapataw ng parusa ukol dito. Bagay na sinagot naman ng DOE.

 “We want to see a policy that will penalize the power producers, because its their job to make sure that their commitment is always a commitment” pahayag ni Senate Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian.

“As of now, none mr chair,again depending on their contractual arrangement with their offtakers” ani Department of Energy Assistant Secretary Redentor Delola.

Giit ng consumer group na Laban Konsyumer, dapat gayahin ng ERC ang ginawa ng mwss na pinatawan ng multa ang manila water dahil sa water crisis.

 “They can do what mwss did sa tubig,meron namang mandate to impose penalty” tinig ni Laban Konsyumer President Attorney Victor Dimagiba

Sa ngayon ayon sa DOE, pinag-aaralan na nila ang ilang polisiya tulad ng interruptible load program upang maiwasan na ang mga ganitong mga problema na krisis sa kuryente dulot ng sabay-sabay na maintenance shutdown ng mga power plant.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,