Kauna-unahang penguin na nabuo sa pamamagitan ng artificial insemination, isinilang na sa Japan

by Radyo La Verdad | July 7, 2016 (Thursday) | 843
Penguin sa Japan(REUTERS)
Penguin sa Japan(REUTERS)

Tagumpay ang Japan sa pag-produce ng kauna-unahang penguin sa mundo sa pamamagitan ng artificial insemination.

Ang proyekto ay pinangunahan ng mga eksperto sa Kobe University at Tokyo Sea Life Park na naglalayong ma-preserba ang mga endangered spieces gaya ng Southern Rockhopper Penguin.

Ang Southern Rockhopper Penguin ay karaniwang naninirahan sa mga isla sa Antarctica gaya sa Falklands.

Isa ito sa tinukoy na threatened species sa red list ng International Union for Conservative of Nature.