Kaunaunahang bendable smartphone, naimbento

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 1395

REFLEX
Na-develop na ang prototype ng kauna-unahang bendable smartphone sa mundo.

Ang Reflex ay naimbento ng mga scientist sa Queen’s University sa Canada.

Mataas ang flexibility ng screen nito na nabe-bend gaya ng rubber.

Mayroon din itong voice coils na nakakapag-produce ng systematic vibrations sa mga activities sa phone.

Sa pamamagitan ng Reflex, nabibigyan ang user ng mas realistic na experience sa kanyang pagbabasa ng ebook at paglalaro ng iba’t-ibang games.

Ang Reflex ay inaasahang magiging available sa merkado makalipas ang limang taon.

(UNTV RADIO)

Tags: ,