Kauna-unahang UNTV Rescue Competition, lalahukan ng iba’t-ibang rescue group sa bansa

by Radyo La Verdad | June 21, 2018 (Thursday) | 3260

Excited na ang iba’t-ibang mga rescue groups sa bansa sa kauna-unahang rescue competition na inorganisa ng UNTV.

Sa gaganaping UNTV 3rd Rescue Summit sa ika-11 ng Hulyo, tampok sa pagtitipon ang patimpalak sa pagligtas ng buhay.

Kasama sa mga lalahok sa kompetisyon ang probinsya ng Bataan, Bulacan, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Laguna at Aurora.

Nakasentro ang kompetisyon sa paglinang ng kakayahan ng bawat rescue group upang mapaghandaan ang pagtama ng isang malakas na lindol.

Karamihan sa mga probinsyang kalahok sa kompetisyon ay mga lugar na maaaring makatulong sa Metro Manila sakaling tumama ang tinatawag na The Big One.

Ayon sa ilang rescue groups mahalaga ang naturang event upang mas lalo pa nilang mapaunlad ang kanilang mga kaalaman at kakayahan.

Bukod sa mga dagdag kaalaman at kasanayan na matututunan ng iba’t-ibang rescue groups, naghanda ang UNTV ng malaking cash prize sa mga magwawagi sa kompetisyon.

Ang rescue summit ay isa lamang sa mga public service ng UNTV.

Ang UNTV sa pangunguna ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ang nagpasimula ng news and rescue sa Pilipinas.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,