Kauna-unahang PNP Mobile Advance Command Post, gagamitin sa huling SONA ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | July 23, 2015 (Thursday) | 2336

PNP 2
Handang handa na ang Philippine National Police sa ipatutupad na seguridad sa huling State of the Nation Address ni Pangulo Benigno Aquino III.

Bukod sa mga tauhan ng PNP sa ground mayroon din itong PNP Mobile Advance Command Post na may 5 CCTV Camera at ang isa rito na may kakayahang mag zoom, tilt at panning na malinaw hanggang 150 meters.

Sa loob nito ay mayroong mga laptop, printer, tv monitor, controller ng patrol camera, two way radio at satellite phone upang magamit ng Task Force Commander sa monitoring para sa seguridad ng lugar.

May ref, table, comfort room, stock room at aircon din sa loob.

Ayon kay Communication and Electronic Service Deputy Director P/SSUPT. Roman Purugganan, kaya din ng mga camera ang 720 hours na tuloy tuloy na recording.

Sinabi pa nito na ang Task Force Commander ang mamamahala sa operations ng command post kung saan syam na operator ang kailangan ng mga cctv at iba pang equipment.

Dagdag ni Purugganan, hindI gumastos ng malaki ang pnp dahil maliban sa p120 libong pisong ginastos sa van ay hindi naman binili ang ibang gamit kundi galing sa ibat ibang opisina ng PNP.

Bukod sa SONA ay gagamitin din ito sa mga disaster monitoring kayat plano rin ng PNP na dagdagan pa ito at iimprove kung may makitang kakulangan sa equipment

Tags: