Kauna-unahang ospital para sa mga elepante, binuksan sa India

by Radyo La Verdad | November 19, 2018 (Monday) | 9304

Hindi lamang tao ang nangangailangan ng pangangalaga kundi maging ang mga hayop.

Kaya naman isang ospital para sa mga elepante ang binuksan sa India. Kabilang sa mga elepanteng isinugod sa ospital na ito sa Uttar, Pradesh ay si Suzi. Wala ng molars at na-damage na ang pandinig ng 67 taong gulang na elepante na nakaranas ng pang-aabuso.

Ang 49 taong gulang naman na si Asha ay dinaramdam naman ang chronic leg issues at foot abscess.

Sina Suzi at Asha ay ilan lamang sa maraming elepanteng dumanas ng pang-aabuso sa India na isa sa mga dahilan kung bakit itinayo ng Wildlife SOS ang ospital na ito.

Equipped naman ng hi-tech at makabagong mga kagamitan ang ospital para sa ikagagaling ng mga elepante tulad ng digital x-rays at advanced tranquilization equipment. Maging ang mga nabibisita rito ay ikinatutuwa rin ang pagkakaron nga ganitong uri ng ospital.

Pagkatapos na maka-recover mula sa long-term medical procedures at critical care, ang mga elepante ay ililipat sa conservation at care centre.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,