Kauna-unahang National Dengue alert, idineklara ng DOH dahil paglobo ng dengue cases

by Erika Endraca | July 16, 2019 (Tuesday) | 4134

MANILA, Philippines – Nagdeklara na ang Department of Health (DOH) ng national dengue alert dahil sa patuloy na paglobo ng dengue cases sa Western Visayas, Calabarzon, Central Visayas, Socksargen at Northern Mindanao.

“There is clustering of cases of more than 3 which means more than 3 cases in an area within 4 consecutive weeks. This is above the epidemic threshold. We want to raise awareness among the public and more importantly in communities where early signs of dengue increases are evident. ani DOH Sec Francisco Duque III.

Itinaas na rin sa code blue alert ang lahat ng mga government hospitals at heath facilities sa naturang mga rehiyon. Ibig sabihin, 24 oras dapat silang naka- alerto sa pagtugon sa mga kaso ng dengue. Panawagan ng DOH, maigi pa ring masundan ang 4s strategy kontra dengue.

Maiging maagapan kaagad kapag nakaranas na ng mga sintomas nito gaya ng matinding sakit ng ulo, sakit sa bandang mata, matinding sakit ng kalamnan at kasu-kasuan, pagkahilo, pagsusuka at pamamantal ng balat. Tiniyak naman ng kagawaran ang kanilang kahandaan na tugunan ang pangangailangang medikal ng mga dengue patients.

“Our hospitals are equipped with all the fluid that they need but we have to see the patients early and we have to manage them properly. And with that we are working with who to setup our centers of excellence for the treatment of dengue.” ani DOH Spokesperson, Usec Eric Domingo.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit one hundred six thousand ang dengue cases sa bansa mula January1 hanggang June 29. Mas mataas ito ng 85% kumpara sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,