Kauna-unahang Medical School sa BARMM, asahang itatayo bilang proyekto ng gobyerno

by Radyo La Verdad | August 22, 2023 (Tuesday) | 1129

COTOBATO CITY — Pinaplano ng Cotabato Regional Medical Center (CRMC) at Cotabato State University (CSU) ang pagtatayo ng kauna-unahang medical school sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay CRMC Chief of Hospital Dr. Ishmael Dimaren ang kolaborasyong ito ay naglalayong tulungang maresolba ang problema sa kakulangan ng doktor sa bansa.

Kasabay din nito ang layuning gawing mas accessible ang primary healthcare sa rural areas at ilang undeserved population sa bansa.

Dagdag pa niya, tatawagin ang institusyon bilang na CSU-CRMC College of Medicine, hindi nito opisyal na pangalan.

Inaasahan ang pinropose na project consortium na mag-uumpisa sa susunod na academic year kasabay ng pahintulot sa pag-apruba mula sa pamahalaan.

Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng pagsuporta sa Republic Act 11509, o ang Doctor Para sa Bayan Law na nilagdaan noong December 23, 2020 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

(Joram Flores | La Verdad Correspondent)

Tags: