Kauna-unahang LTO Kiosk sa labas ng Metro Manila, inilunsad sa Zamboanga City

by Radyo La Verdad | August 8, 2018 (Wednesday) | 3388

Mas mapapabilis na pagpoproseso ng drivers liscence at lisensya ng mga sasakyan sa Zamboanga.

Kahapon ay binuksan ng Land Transportation Office (LTO) ang kauna-unahang nitong Kiosk sa labas ng Metro Manila sa Zamboanga City sa pangunguna ni Asec. Edgar Galvante.

Makakatulong ang LTO Kiosk sa pagproseso ng mga transaksyon sa pamamagitan ng internet o online.

Kabilang sa maaring iproseso sa Kiosk ay ang application ng bago at renewal ng driver’s license at rehistro ng mga sasakyan. Makikita rin dito ang mga LTO directory sa buong bansa, mga contact number at marami pang iba.

Ayon kay Asec. Galvante, maglalagay din sila sa mga ibang rehiyon sa Mindanao para mas marami pang mabigyan ng serbisyo ang LTO na walang masyadong abala.

Ang Kiosk ay nagkakahalaga ng hanggang 300,000 piso kada unit.

Target ng LTO na malagyan ng Kiosk ang mga lugar na maraming transakyon o maraming tao.

Samantala, bukod dito ay binuksan din kahapon ng LTO ang bago nitong licensing center sa lungsod. Inilagay ito sa loob ng pinakamalaking mall sa lugar na inaasahang dadayuhin ng maraming tao.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,