Alas diyes ng umaga nang i-file ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ilan sa grounds for impeachment na binabanggit ni Congressman Alejano ay ang umano’y paglabag sa saligang batas ni Pangulong Duterte, bribery, betrayal of public trust, high crimes at graft and corruption.
Partikular na binabanggit ni Congressman Alejano ay ang mga kaso ng extrajudicial killings na dapat umano mapanagot ang pangulo.
Pinag-aaralan nila ang isang supplemental complaints na ayon sa Magdalo Partylist Representative ay naglalaman ng umano’y mga naging paglabag sa konstitusyon ng pangulo.
Ayon pa kay Congressman Alejano, may mga nagpahayag na ng pagsuporta sa impeachment complaint na ito.
Tinanggap ng Office of the Secretary General ang complaint at ibibigay ito sa Office of the House Speaker, dadaan sa house rules at ibibigay naman sa House Justice Committee upang matalakay ang substance ng impeachment complaint.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: House of Representatives, impeachment complaint, Pangulong Duterte