Makikita ngayon sa Philippine Embassy sa London ang iba’t-ibang pamamaraan sa paghahabi ng barong at baro’t saya na ginawa sa piña cloth at silk textiles.
Ito ay bahagi ng hibla travelling exhibition na binuksan sa pangunguna ng National Museum of the Philippines na layong i-promote ang mga traditional fabrics mula sa Pilipinas.
Ayon kay Senator Loren Legarda na kabilang sa nag-organize ng exhibition, makikita rito ang -masusing pamamaraan ng paggawa ng mga barong at baro’t saya na bahagi na ng kulturang Pilipino.
Nagsasagawa rin ng lecture ang mga weaver na mula pa sa Laguna, Aklan, at La Union na pangunahing pinagkukunan ng mga barong at baro’t saya.
Dahil sa may kamahalan ang isang barong tagalog na gawang puro sa piña cloth, isang mananahi naman ang nakaisip na makagawa ng budget friendly version nito na gawa sa silk o seda.
Namangha naman kaagad ang mga bumisita sa exhibit.
( Dennis Damasco UNTV Correspondent )