Aabot sa mahigit apat na libo walong daang manlalaro mula sa sampung bansa sa Southeast Asia at East Timor ang magtatagisan upang makasungkit ng medalya sa iba’t-ibang laro at magbigay karangalan sa kani-kanilang bansa.
Samantala, ang Cebuana marathoner na si Mary Joy Tabal ang nakapagbigay ng kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa SEA Games na isinagawa kinaumagahan matapos ang opening ceremony.
Naitala ni Tabal ang 2 hous, 48 mins and 26 seconds na time sa women’s marathon, mas mabilis ng pitong minuto sa pambato ng Vietnam at sampung minuto naman sa Thailand.
Ang Southeast Asian Games ay isinasagawa tuwing ikalawang taon at ikinararangal ng mga Pilipino dahil ito ay susunod na gaganapin sa Pilipinas sa taong 2019.
(Richard Rivera / UNTV Correspondent)