Kauna-unahang “Food Opera”, binuksan sa France

by Radyo La Verdad | November 10, 2017 (Friday) | 2343

Hindi lang ang tenga ng mga manonood ang nabusog sa magagandang musika sa binuksang “Food Opera” sa Paris, France.

Maging ang kanilang mga tiyan ay nabusog dahil sinabayan ng tatlong Michelin-Starred Chefs ng pagluluto ng masasarap na putahe ang pagtutog ng 20-piece  orchestra sa Trianon Theater.

Kasama sa menu ang crab caviar, scorpion fish with rhubarb and montagne petals at soufflé. Ang mga miyembro ng orchestra ay nakadamit bilang kitchen assistants na tumutugtog sabay ng bawat galaw ng mga chef.

Ayon sa mga chef, maraming nalilikhang tunog kapag nagluluto at may pagkakapareho ito sa paggawa ng musika kaya ikinatuwa nilang maging bahagi ng bagong konseptong ito.

Mas mag-eenjoy umano ang mga diner kapag naririnig ang musika habang tinitikman ang kanilang mga putahe.

 

( Jhun Garin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,