Inihahanda na ng Department of Health ang mga pasilidad para sa drug rehabilitation center na bubuksan sa buwan ng Setyembre sa Dulag, Leyte.
Ito ang kauna-unahang drug rehab and treatment facility sa Eastern Visayas na kayang mag-accommodate ng nasa isandaang stay-in male patients.
Ayon sa DOH, kaunti lang ang tatanggaping pasyente dahil hindi naman lahat ng drug dependents ay kailangang tumira sa pasilidad sa kabuuan ng kanilang treatment.
Nakikipag-usap na rin ang DOH sa Local Government Units na maaaring magpatayo ng sariling drug rehab centers pati na sa health professionals na makatutulong sa assessment sa drug dependents sa uri ng rehabilitation plan.
Kakausapin din nila ang TESDA para sa training program na maaaring daanan ng drug dependents upang magkaroon sila ng marangal na trabaho kapag natapos nila rehabilitation process.
Samantala, tiniyak naman ng DOH na babantayan nila ang mga drug testing centers upang ihindi ito magsasamantala sa presyo ngayong kaliwa’t kanan ang pagsasagawa ng testing.
(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)
Tags: DOH, eastern visayas, Kauna-unahang drug rehabilitation facility