METRO MANILA – Inanunsyo ni Russian President Vladimir Putin na rehistrado na sa bansa ang kauna-unahang bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019.
Isa sa mga anak ni Russian President Vladimir Putin ang unang tumanggap COVID-19 vaccine na tinawag na Sputinik V (five) matapos itong pumasa sa lahat ng kinakailangang pagsusuri.
Ayon sa Russian Health Ministry, magkakaloob ng immunity sa COVID-19 ang vaccine sa loob ng 2 taon.
Gayunman, ilang mga eksperto at siyentipiko sa loob at labas ng Russia ang kumukwestyon sa agarang paggamit nito dahil hindi pa
kumpleto ang phase 3 trials na karaniwang tumatagal ng ilang buwan.
Una nang ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na nakikipag-ugnayan na sila sa Russian authorities para sa review ng vaccine.
Posible namang simulan ngayong buwan ang COVID-19 vaccination sa mga doktor kasunod ang medical workers, teachers at iba pang risk groups sa Russia.
Sa Setyembre ang target na large-scale production ng bakuna samantalang ang mass vaccination naman ay sisimulan sa Oktubre.
Tags: COVID-19 Vaccine, Russia