Target ng Department of Science and Technology na mailunsad sa buwan ng Abril ang kauna-unahang brown rice production facility sa Jaro, Leyte.
Ayon sa DOST, wala pang nagne-negosyo sa rehiyon ng wholesale brown rice kaya hinikayat nila ang Brgy.Ulotan Purok Integrated Farmers Association na kunin ang proyektong ito lalo’t sentro sila ng rice granary areas ng Leyte.
Dagdag pa ng ahensya, tumataas ang demand ng brown rice ngayon dahil sa taglay nitong minerals at fiber potassium na mainam sa kalusugan.
Ngayong buwan, bibisita ang Bupifa Association sa Nueva Ecija para mag-observe at bumili ng brown rice variety na susubukan nilang itanim at i-proseso sa bubuksang pasilidad.
Sa buwan ng Marso naman inaasahang darating sa Leyte ang mga kagamitang ilalagay sa brown rice production facility.
(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)
Tags: ilulunsad na ngayong Abril, Kauna-unahang brown rice production facility sa Eastern Visayas