Sinamantala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaabot ng personal kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang suliranin ng mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough o Panatag Shoal.
Ayon sa Chinese official, binuksan ni Pangulong Duterte sa kaniya ang usapin sa suliranin ng mga mangingisda sa Scarborough Shoal.
Bagaman kinumpirma ng Chinese official na umiiral ang barter system o ang pagpapalitan ng produkto at serbisyo na hindi gumagamit ng salapi o pera sa Scarborough, ‘di naman pinahihintulutan ang pamumuwersa o sapilitang pagkuha ng mga huling isda.
Kinumpirma din ng Chinese foreign ministry ang ginagawa nilang imbestigasyon laban sa mga Chinese coast guard.
Oras na mapatunayan ang alegasyon, handa ang mga otoridad ng China na parusahan ang mga nagkamali nilang mga tauhan.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )