Katiwalian sa pag-upa ng consultant sa ahensya, itinanggi ni dating SRA Administrator Atty. Annie Paner

by Radyo La Verdad | September 27, 2017 (Wednesday) | 1280

Humarap sa media si dating SRA Administrator Atty. Annie Paner, upang pabulaanan ang mga alegasyon sa kanya. Ayon kay Paner, tila mis-informed si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu.

Paliwanag niya, kumuha ng consultant ang SRA para sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plan para sa Sugar Cane Industry na babayaran ng 1.2 million pesos sa loob ng 6 na buwan.

Ayon kay Paner, dumaan sa tamang proseso at aprubado ng board members ang hakbang. Kumuha din ang ahensya ng 3 pang sub-consultant at binayaran ng tig-52 thousand pesos para sa nasabing proyekto.

Giit ng dating opisyal, malinis niyang ginampanan ang kanyang trabaho, at itinangging sangkot sya sa sinasabing korupsyon sa ahensya.

Ayon pa kay Paner, August 12 pa nang magsumite siya ng kanyang resignation letter sa Pangulo na opisyal namang tinanggap nito kahapon.

Katwiran nito, hindi na siya masaya sa trabaho at apektado na rin siya sa mga kontobersiyang iniuugnay sa kanya.

 

( Joan Nano/ UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,