Katatapos na ikalawang yugto ng presidentiable debates, nakatulong upang makilalang lubos ang mga kandidato- Malacanang

by Radyo La Verdad | March 22, 2016 (Tuesday) | 971

USEC--MANUEL-QUEZON-III
Pinanood ni Pangulong Aquino ang pangalawang presidential debate na idinaos sa UP Campus sa Cebu.

Ayon sa Malacanang, sa isinagawa debate ay nakita ng publiko ang karakter ng mga presidentiable at kakayahan kung paano tutugunan ang iba’t ibang issue sa bansa.

Naniniwala rin si Presidential Communications Development and Strategic Planning Office USec. Manuel Quezon the third na malaki ang naitulong nito upang makilala ng lubusan ng mga botante ang mga kumakandidato sa pagka-pangulo ng bansa.

Sa kabila nito, dumipensa naman ang Malakanyang sa pahayag ni Senator Grace Poe sa umano’y hindi pinanangot ng administrasyong Aquino ang mga kilalang miyembro ng Liberal Party tulad ni Transportation Secretary Joseph Emlio Abaya.

Binigyang diin ng Malakanyang na noon pa man ay sinabi na ng Pangulo na kung may mga ebidensyang magtuturo sa ginagawang iregularidad ng isang opisyal ng pamahalaan kaalyado man o hindi ay hindi niya kakampihan.

Umapela naman ang Malakanyang sa mga taga-suporta ng mga presidentiable na maging mahinahon at respetuhin ang pananaw ng bawat kandidato.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: