Katatagan ng Korte Suprema bilang institusyon, masusubok sa 2016 national elections – CJ Sereno

by Radyo La Verdad | June 12, 2015 (Friday) | 1565

SC 2
Magiging malaking pagsubok para sa Korte Suprema ang taong 2016 dahil sa idaraos na halalan sa bansa.

Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, hindi biro ang ginagawang paghahanda para sa pagdaraos ng isang national elections sa Pilipinas at dapat alam ng mga nasa hudikatura ang kaakibat na hamon nito.

Sinabi pa ni Sereno na ngayon pa lang ay naghahanda na rin sila sa pagdagsa ng Election Related Petitions.

Kabilang sa mga isyung iniakyat sa Korte Suprema noong 2013 elections ay ang kwalipikasyon ng ilang mga party-list at ang mga panuntunan sa halalan na ipinatutupad ng Comelec gaya ng paglimita sa political ads at sukat ng mga campaign materials ng mga kandidato.

Tags: ,