Kasunduan sa defense cooperation ng Pilipinas at Japan, nakatakdang pirmahan ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 1546

ROSALIE_PNOY-ABE
Nakatakdang pirmahan ngayong araw nila National Defense Secretary Voltaire Gazmin at Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa ang kasunduan upang pag-ibayuhin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa usapin ng depensa.

Mahalaga ang kasunduan upang mapahintulutan ang paglilipat ng military equipment mula Japan sa Pilipinas subalit binigyang-diin ni Sec. Gazmin na hindi nito pinatutungkulang labanan ang anumang bansa sa mundo kundi upang pag-ibayuhin ang kapasidad ng Armed Forces of the Philippines.

Una nang nagpahayag ng pagkakasundo sa pagitan nina Pangulong Benigno Aquino The Third at Japanese Prime Minister Shinzo Abe na paigtingin ang defense cooperation ng dalawang bansa upang makapagsagawa ng malakihang balikatan exercises sa pagitan ng Japanese at Filipino military troops sa Pilipinas.

Wala pa namang napag-uusapan na partikular na military equipment na dadalhin ng Japan sa Pilipinas.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,