Kasunduan ng BuCor at TADECO sa pag-upa sa lupa ng Davao Penal Colony, iligal – SolGen

by Radyo La Verdad | April 28, 2017 (Friday) | 1816


Iligal at wala umanong bisa ang kontrata ng Bureau of Corrections at ng TADECO o Tagum Agricultural Development Corporation sa pag-upa sa mahigit limang libong ektaryang lupain ng Davao Penal Colony.

Paliwanag ni Solicitor General Jose Calida, sa ilalim ng konstitusyon ay maaari lamang upahan ng isang pribadong kumpanya ang lupaing pag-aari ng gobyerno nang hindi hihigit sa limampung taon.

Sa kaso ng TADECO, una nitong inupahan ang lupain ng Davao Penal Colony noong 1969 na pinalawig ng dalawamput limang taon noong 1979.

Muling binigyan ng extension ang kontrata noong 2003 at pinalawig hanggang 2029.

Ayon pa kay Calida, labag din umano ang kasunduan ng BuCor at TADECO sa public land act dahil hindi ito dumaan sa bidding.

Tags: , , ,