Kasong tax evasion VS. dating PMA President Dr. Leo Olarte, ipinasasampa na sa korte

by Radyo La Verdad | July 15, 2015 (Wednesday) | 1180

OLARTE
Inaprubahan na ng Department of Justice ang pagsasampa sa korte ng kasong tax evasion ni dating Philippine Medical Association President Dr. Leo Olarte.

Base sa resolusyon ng DOJ, may probable cause o sapat na basehan upang kasuhan si Olarte ng pitong counts ng tax evasion dahil sa hindi nito paghahain ng kanyang income tax return mula 2006 hanggang 2012.

Nasa P1.3 million umano ang kabuuang deficiency income tax ni Olarte na bukod sa pagiging doktor ay isang ring abogado.

Inabswelto naman ng DOJ si Olarte sa mahigit 60 pang counts ng tax evasion dahil wala umanong basehan ang reklamong isinampa ng Bureau of Internal Revenue.

Tags: