Kasong isinampa laban sa mga miyembro ng MNLF na sangkot sa Zamboanga Siege, pinangangambahang ma-dismiss

by Radyo La Verdad | February 12, 2016 (Friday) | 1146

DANTE_PINANGANGAMBAHAN
Mahigit dalawang daan ang akusadong MNLF members kaugnay ng Zamboanga Siege noong 2013.

Rebellion and violation of International Humanitarian Law ang kanilang mga kaso na kinabibilangan ni MNLF founding Chairman Nur Misuari na sinasabing utak sa Zamboanga Siege.

Hangaang sa ngayon nakabinbin pa rin ang kaso nina Misuari at mga kasamahan sa Pasig Regional Trial Court Branch 158.

Kamakailan lamang ay pinalaya ang apat na put dalawa dahil sa kawalan umano ng ibidensya at karamihan sa kanila ay mga menor de edad.

Dahil dito nangangamba si Attorney Jesus Carbon, City Legal Officer ng Zamboanga na baka ma-dismiss rin ang kaso ng iba pa dahil sa mahina rin ang mga ebidensiya.

Sa ngayon, hinihingi ng City Legal Office ang pangalan ng mga ito sa DOJ upang pag-aralan kung talagang mahina ang ibidensya laban sa kanila,

Una nang tumanggi sa plea bargaining proposal ang city government na isinumite ng ilang mga akusado.

Layunin nitong mapababa ang kanilang kaso sa sedition na may parusa lamang ng hindi bababa ng anim na taon.

Mas mababa ito kaysa habambuhay na pagkakakulong o reclusion perpetua sa kasong rebellion and violation of International Humanitarian Law.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,