Nanawagan ang Organization of Islamic Cooperation sa pamahalaan na tiyakin na maipapasa ang proposed Bangsamoro Basic Law at siguruhin na hindi ito naiiba sa orihinal na bersiyon.
Sa kasalukuyan nakabinbin pa rin ang panukalang batas sa Kongreso
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, isa sa mga pipilitin nilang matapos bago ang huling sesyon sa December 16 ay ang period of interpellations sa BBL.
Susubukan rin ni House Speaker Feliciano Belmonte na madaliin ang period of amendments sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang grupo na kakalap ng mga panukalang amiyenda.
Umaasa pa rin ang liderato ng mababang kapulungan na maipapasa ang proposed BBL sa ilalim ng Administrasyong Aquino.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: Kongreso, proposed BBL