Kaso vs. MNLF members kaugnay ng 2013 Zamboanga Siege, posibleng ma-dismiss dahil sa mahinang ebidensya

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 2020

DANTE_MAHINA
Pinangangambahan ring ma-dismiss ang kaso laban sa mahigit isandaang akusado dahil sa mahinang ebidensya, batay sa initial evaluation ng panel of prosecutors ng Department of Justice.

Ayon kay Atty. Carbon, malaking bahagi ng hawak na ebidensya ay testimonya lamang ng arresting officers na hindi sasapat upang patunayang sangkot nga sa pag-atake ang mga akusado.

Sa ilalim ng plea bargaining agreement, aamin ang mga akusado sa mas mababang kaso ng sedition na may sentensyang anim na taong pagkakakulong; pati na sa kasong illegal assembly at illegal use of uniform na may parusang anim na buwang pagkakakulong.

Una nang tinanggihan ng Zamboanga City Government ang panukala at iginiit ang pagsusulong sa kaso upang mabigyang-katarungan ang sinapit ng mga biktima.

Ngunit pangamba ng City Legal Office, maaaring matagalan pa bago makamit ang hustisya dahil bukod dami ng mga akusadong kailangang iharap sa korte, problema rin ang gagamiting paraan sa paglilitis dahil sa isyu ng seguridad at pondo.

Una nang ipinanukala ang pagkakaroon ng teleconference type ng trial para sa mga witness na hindi makakarating sa Pasig RTC dahil sa kakulangan ng pondo ngunit kailangan pa itong aprubahan ng kataas-taasang hukuman.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,