Kaso sa NCR kada araw, mado-doble sa loob ng 2 Linggo kapag hindi nagpatupad ng “Hard Lockdown”- Octa

by Erika Endraca | July 29, 2021 (Thursday) | 4403

METRO MANILA – Posibleng matulad ang Pilipinas sa mga katabing bansa nito gaya ng Thailand, Malaysia, Vietnam at Indonesia kapag hindi naipatupad ang 2 Linggong hard lockdown dahil sa banta ng Delta COVID-19 variant.

Kaya iminumungkahi ng Octa Research Team na sa lalong madaling panahon ay maipatupad ito upang maputol ang transmission o hawaan ng mas mabagsik na Delta variant.

“What we’re envisioning is somehing along MECQ,ECQ. They will depend on government and the amount of precaution we need. It was a precautionary recommendation because of an impending, clear and present danger post of Delta.” ani Octa Research Team Fellow, Prof. Ranjit Rye.

Sa pagtaya ng grupo, kapag hindi naagapan, maaaring makapagtala sa NCR ng 1,500 hanggang halos 3,000 COVID-19 cases kada araw sa susunod na 2 Linggo.

Nasa 1.33 na ngayon ang reproduction number sa NCR na halos kapareho noong magkaroon ng surge sa unang bahagi ng 2021.

Pinangangambahan na posibleng umabot sa critical level ang hospital capacity sa NCR kung saan 70% ang magiging okupado sa Ikalawang Linggo ng Agosto. At aabot sa 100% full capacity pagdating sa katapusan ng Agosto.

“We are averaging 1000 cases. Two weeks ago it was just 600 and we thought it IOS decreasing but something is driving the pandemic and pushing the case load higher” ani Octa Research Team Fellow, Prof. Ranjit Rye.

Ayon din sa Octa Research Team, kailangan pa rin matuloy ang COVID-19 vaccination sa bansa kahit pa magpatupad ng hard lockdown.

Kailangan gumawa ng mga hakbang ang mga LGU upang mapabilis ang pagbabakuna kahit malilimitahan ang paglabas ng publiko.

Inirerekomenda rin ng grupo na paikliin ang vaccine interval ng COVID-19 vaccines gaya ng Sinovac at AstraZeneca upang mas dumami ang maging fully vaccinated at maprotektahan laban sa mabagsik na COVID-19 variant.

“Octa is exhorting government to focus on its plan, we believe its plan will work in which the NCR Plus 10, I was told by Sec Galvez some time in August 2 million Moderna vaccine is coming through as donation from the United States”

Samantala, pabor naman si Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec Joey Concepcion sa panukalang hard lockdown ng Octa Research Team.

“If the government, DOH Secretary Duque will push two week hard lockdown we will support it because we will prefer to solve the problem early and not wait for the problem to get bigger, then we will have to lockdown for months. That is the most catastrophic thing that could happen in our country if that happens in thr 4th quarter. If it happens now, not in august, we’ve been lock down for 7 days because of these rains” ani Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion.

Nauna nang ipinahayag ni Pangulong Duterte sa kaniyang huling SONA na kung kinakailangangan, magpapatupad muli ang pamahalaan ng lockdown dahil sa banta ng Delta variant.

Patuloy ang pakiusap ng mga awtoridad sa publiko na maging responsable, huwag magpakakampante at magpabakuna na kontra COVID-19 .

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,