Kaso ng umano’y illegal Chinese workers na naaresto sa Pampanga, iimbestigahan ng Senado

by Radyo La Verdad | December 7, 2016 (Wednesday) | 882

senate
Iimbestigahan na ng Senado ngayong araw, ang kaso ng mahigit isang libong umano’y illegal Chinese workers na nahuli sa isang resort at casino complex sa Clark, Pampanga noong November 25.

Pangungunahan ni Sen. Joel Villanueva na siyang chairpeson ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ang gagawing imbestigasyon.

Inaasahang dadalo sa pagdinig ang mga opisyal ng Bureau of Immigration, Department of Labor and Employment at Philippine National Police.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Senator Villanueva dahil aniya sa dumaraming illegal foreign workers sa sektor ng manufacturing, construction, power grids at mining lalo sa CARAGA Region.

Umaasa ito na lilitaw sa gagawing pagdinig ang mga posibleng amyenda sa labor code, immigraton laws at iba pang batas kaugnay nito.

Tags: ,