Kaso ng Torre de Manila, muling tatalakayin ng Korte Suprema sa April 25

by Radyo La Verdad | April 4, 2017 (Tuesday) | 5431


Muling tatalakayin ng Korte Suprema ang kaso ng kontrobersyal na Torre de Manila Condominium sa kanilang susunod na sesyon sa Baguio City sa April 25.

Kasama ito sa agenda sa unang summer session kanina ngunit nagpasya ang mga mahistrado na ipagpaliban ang paglalabas ng desisyon sa kaso.

September 2014 nang magpetisyon ang Knights of Rizal at hiniling na ipagiba ang naturang gusali dahil panira umano ito sa tanawin ng bantayog ni Jose Rizal sa Luneta.

June 2015 naman nang maglabas ng Temporary Restratining Order ang SC at ipinatigil ang pagtatayo ng apatnaput siyam na palapag na gusali.

Dati namang iginiit ng DMCI na wala silang nilabag na batas at binigyan sila ng pahintulot ng pamahalaang lungsod ng Maynila upang maitayo ang Torre de Manila.

(Roderic Mendoza)

Tags: , ,