Mahigit isang daang porsiyento ang itinaas ng mga nabibiktima at nagrereklamo bunsod ng mga malalaswang larawan at video na naglalabasan sa social media.
Ayon kay PNP-Anti Cybercrime Group Spokesperson PSupt. Jay Guillermo, mula 50 kaso noong 2015 ay umakyat ito sa 196 noong 2016.
Sampung kaso naman ang itinaas ng mga nabibiktima ng robbery extortion sa social media.
Mula naman sa 30 kaso ng robbery extortion sa social media noong 2015 ay umakyat ito sa 40 noong 2016.
Samantala, pang siyam na kaso na ang sa basketbolistang si Kiefer Ravena ngayong 2017.
Bunsod nito ay nagbabala ng ACG sa mga patuloy na nanloloko sa pamamagitan ng social media na may katapat itong mabigat na parusa.
Patuloy na paalala rin ng ACG sa publiko na huwag magbigay ng mga mahahalaga at sensitibong impormasyon sa social media lalo na sa mga taong hindi kilala.
Dagdag ni Guillermo, lucrative o madaling pagkakitaan ang pangingikil gamit ang mga hubad na larawan at video ng mga biktima kayat marami ang mga nananamantala dito.
(Lea Ylagan)
Tags: PNP Anti-Cybercrime Group, robbery-extortion, social media
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com