Ninakaw ng mga hindi pa nakikilalang kawatan ang mga computer set sa Del Carmen National High School. Labing apat na monitors, labing dalawang keyboards, mouse at cpu ang nakuha sa computer laboratory ng paaralan.
Ayon sa head teacher ng eskwelahan, nangyari ang pagnanakaw alas dos ng madaling araw noong Linggo sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan. Ngayong taon ay nasa dalawampung eskwelahan na ang nag report sa kanila na ninakawan din ng computer set. Labing apat mula sa elementary level at anim naman sa secondary level.
Batay sa tala ng DepEd tumaas ang kaso ng pagnanakaw ngayon kumpara noong nakaraang taon. Sa mga insidente ng pagnanakaw, iisa lamang ang naiiwang bakas ng mga suspek.
Dadaan sila sa likod at puputulin ang mga grills o kaya naman ay puphtulin ang mismong padlock ng mga pintuan. Alam din nila kung saan ang laboratory naka pwesto kaya alam nila kung saan dadaan ang mga magnanakaw at kung anong units ang kabilang kukunin.
Ayon kay Pampanga DepEd Division I.T. Officer na si John Paul Pallasigui, kinukuha lang nila ay mga computer set na under computerization program ng DepEd dahil mamahalin ang mga ito na kung saan ay nagkakahalaga ang isang computer set ng tatlumpung libong piso.
Ayon sa DepEd dumulog na sila ng mga pulis upang aksyunan ang pagnanakaw sa mga pampublikong paaralan na sinasabing ginawa lang ng isang grupo.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: pagnanakaw, Pampanga, public school