Kaso ng mga minor injuries na natulungan ng UNTV News & Rescue at FEPAG, umabot na sa mahigit 100 sa Maynila

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 4590

Habang pagabi ay dumarami na rin ang bilang ng ating mga natutulungan dito sa Quiapo, Maynila. Bunsod ng pagdagsa ng mga tao sa Quiapo Area at init ng panahon, marami sa mga nag-aabang sa Traslacion ang nahimatay at agad na isinugod sa mga medical booth.

As of 4pm, umabot na sa limampung indibidwal ang nabigyan ng medical assistance ng UNTV News and Rescue Team. Karamihan sa mga ito ay nagtamo ng minor injuries habang isa naman ang naisugod sa ospital dahil sa suspected stroke. Limampu’t isa naman ang natulungan ng Fire Emergency Paramedic Assistance Group o FEPAG.

As of 3:15 pm, 726 naman ang naging pasyente ng Philippine Red Cross. 41 dito ay may major injuries tulad ng kung saan apat ang may suspected neck at spine fracture.

Sa pagtataya ng Philippine National Police, as of 3pm nasa estimated 400 thousand na ang tao na nasa Quaipo area.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,