Konstruksyon ng bagong Zamboanga International Airport, prayoridad ng lokal na pamahalaan na maumpisahan ngayong taon

by Radyo La Verdad | January 6, 2016 (Wednesday) | 1494

DANTE_AIRPORT
Target ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City na masimulan na ang konstruksyon ng bagong international airport sa syudad ngayong taon.

Ang kasalukuyang paliparan ay ililipat malayo sa syudad ngunit mas malaking lugar.

Sa ngayon ay dalawang airline company lamang ang gumagamit sa airport, ang Cebu Pacific at Philippines Airlines.

Ito ay dahil ay maliit ang lugar at hindi nito kayang makapag-accomodate ng mas maraming airline companies at mga pasahero.

Dagdag pa rito ang naidudulot na trapiko ng mga sasakyang pumupunta sa paliparan dahil malapit ito sa sentro ng lungsod.

Planong itayo ang bagong paliparan sa Barangay Mercedes.

Bukod sa malawak ang lugar malapit din ito sa Regional Police Office ng PNP at iba pang government offices.

Kapag naitayo ang bagong palipara malaki ang maitutulong nito upang mapalago ang ekonomiya ng siyudad.

Inaasahang tatagal ng anim na taon ang konstruksyon nito at gugugol ito ng bilyon-bilyong halaga.

Ayon pa sa pamahalaang lokal, sa pamamagitan Private-Public Partnership ang finanching scheme sa pagpapatayo ng paliparan.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,