Kaso ng Leptospirosis sa bansa, nakitaan ng pagtaas

by Radyo La Verdad | June 28, 2024 (Friday) | 2581

METRO MANILA – Patuloy ang pagbabantay ng Department of Health (DOH) laban sa water-borne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue o wild diseases kung tawagin.

Bagaman nagsisimula pa lamang ang tag-ulan, nakapagtala na ang kagawaran ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa.

Mula sa 6 na kaso sa pagsisimula ng Mayo, nakapagtala ang DOH ng 60 kaso mula May 19 hanggang June 1 ng taong kasalukuyan.

At umakayat pa ito sa 83 kaso mula June 2 hanggang June 15.

84 naman ang naitalang nasawi ngayong taon. Pinaaalalahanan ang publiko na umiwas maglaro o sumulong sa baha para maiwasan ang leptospirosis.

Ngunit kung ‘di talaga maiiwasan ag magsuot ng bota at agad maghugas o maglinis ng katawan gamit ang malinis na tubig at sabon.

Hinihikayat din ng kagawaran ang mga lokal na pamahalaan na i-declog ang flood drains at magpatupad ng rodent control measures para mapababa ang tsansang mapasa ang sakit sa mga tao.

Tags: