Kaso ng dengue sa Nueva Ecija umabot na sa 750

by Radyo La Verdad | July 7, 2016 (Thursday) | 2663

dengue mosquito photo
Patuloy nang tumataas ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa tala ng Department of Health, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay umabot na sa 750 ang reported dengue cases sa 32 bayan sa lalawigan.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 430 cases na may dalawang nasawi noong 2015.

Pinakamarami ang naitala sa Cabanatuan City, Zaragoza,San Antonio, Talavera, Guimba at sa lungsod ng Munoz.

Dahil dito nagsagawa na ang Provincial Health Office ng school-based immunization sa grade four students sa mga pampublikong paaralan sa probinsya.

Muli ring nagpaalala ang Provincial Health Office sa mga residente na maglinis ng kapaligiran, lalo na sa mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok na carrier ng dengue at iba pang virus.

(Grace Doctolero/UNTV Radio)

Tags: ,