Kaso ng dengue sa Nueva Ecija, tumaas ng 100%

by Radyo La Verdad | August 8, 2018 (Wednesday) | 3683

Nababahala ang Provincial Health Office (PHO) dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue sa Nueva Ecija.

Sa tala ng PHO, aabot sa 1,538 ang kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang Hulyo 2018. Mas mataas ito kumpara sa naitala na 566 na kaso noong nakalipas na taon sa kaparehas na buwan.

Pinakamataas ang lunsod ng Cabanatuan na may 307. Sinundan ito ng bayan ng Bongabon na may 79 na kaso at bayan ng Aliaga na may 58 na kaso.

Ayon kay Dr. Benjamin Lopez ng PHO, tumaas ang kaso ng dengue dahil sa malawakang pagbaha, maruming paligid at nakatiwawang na mga bagay na maaaring pinamumugaran ng lamok.

Ayon pa kay Dr. Lopez, sa 1,528 na kaso ng dengue, 10 ang naitalang namatay. Karamihan sa mga nagka-dengue ay nasa anim hanggang labingdalawang taong gulang na may bilang na 456 na kaso.

Tiniyak ng ng PHO na sapat ang supply ng kanilang gamot at larvaside na magagamit.

Paalala rin ng doktor, kapag may naramdamang sintomas ng dengue ay magtungo agad sa pinaka malapit na health centers sa kanilang lugar kung saan nagbibigay sila ng mga libreng gamot para dito.

 

( Danny Munar / UNTV Correspondent )

Tags: , ,