Kaso ng Dengue sa Nueva Ecija, patuloy na tumataas

by Radyo La Verdad | October 8, 2015 (Thursday) | 1672

dengue mosquito photo
Tatlo na ang naitalang nasawi sa Nueva Ecija, kabilang ang isang tatlong gulang na bata dahil sa pagskakasakit ng dengue.

Batay sa ulat ng Department of Health, umabot na sa mahigit isang libo ang bilang ng kaso ng dengue lalawigan.

Ayon sa Municipal Health Office, mahalagang maputol ang breeding cycle ng mga lamok na carrier ng dengue virus upang ganap itong mapuksa.

Mas epektibo ang paglilinis sa halip na gumamit ng fogging machine dahil hindi nakaipon lang sa isang lugar ang mga lamok.

Una nang iniulat ng DOH na isang daan at talumput isang porsyento (131%) ang itinaas ng dengue cases sa Central Luzon ngayong taon.

Tags: ,