Kaso ng dengue sa bansa, tumaas ng 21% ngayong taon – DOH

by Radyo La Verdad | October 24, 2018 (Wednesday) | 6656

Tumaas ng 21 percent ang naitalang kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.

Ayon sa Department of Health Dengue Surveillance Division, umabot na sa mahigit 138 thousand ang nagkaroon ng dengue mula noong ika-1 ng Enero hanggang ika-6 ng Oktubre 2018.

Higit na mas mataas ito kumpara sa 114, 378 thousand dengue cases noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Sa ngayon, umabot na sa pitungdaan ang naitatalang namatay dahil sa dengue. Nangunguna ang Central Luzon sa nakapagtala ng pinakamaraming kaso, sunod naman ang NCR, Region 4-A, Ilocos Region at Western Visayas.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran lalo na ang mga lugar na maaring pagbahayan ng mga lamok.

 

 

 

 

 

Tags: , ,