Kaso ng Covid-19 sa QC, pumalo na sa 2000; mga namatay nasa 169 na

by Radyo La Verdad | May 24, 2020 (Sunday) | 150566

METRO MANILA – Sa pinabagong ulat ng Quezon City local government, umakyat na sa 2000 ang naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 sa lungsod. Kung saan 841 sa mga ito ang active cases.

Muli namang nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga namatay sa lungsod dahil sa Covid-19, kaya’t kung susumahin ay mayroon nang 169 total deaths ang Quezon City.

Patuloy namang dumarami ang mga indibidwal na gumaling na sa sakit na ngayon ay umaabot na sa 624.

Sa ngayon ay nakipag-partner na rin ang QC local government sa isang pribadong kumpanya para mas mapalawak pa ang pagsasagawa ng rapid testing. Anila malaking tulong ito upang mas madaling matukoy at maihiwalay ang mga residenteng apektado ng Covid-19 upang agad na magamot.

Nauna nang nagpatupad ng special concern lockdown ang QC LGU sa mga piling lugar sa lungsod kung saan naitala patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Ang Quezon City ang lungsod sa Metro Manila na may pinakamaraming populasyon, at may pinakamataas na kasong naitala ng coronavirus disease.

(Joan Nano)

Tags: , ,