Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, posibleng magkaroon muli ng surge anomang araw mula ngayon – Octa

by Radyo La Verdad | April 27, 2022 (Wednesday) | 6312

METRO MANILA – Maaaring pumalo sa 50,000 – 100,000 ang acitve COVID-19 cases sa bansa sakaling makapasok ang mga napapaulat na Omicron Sub- variant at Sublineages.

Batay sa monitoring ng Octa Research Team, may pagkakapareho ang sitwasyon ng Pilipinas sa South Africa, India at Indonesia na nakararanas ng resurgence.

Ipinaliwang ni Octa Research Fellow Prof Guido david na bagaman posibleng mangyari ang panibagong surge anomang oras.

Hindi ito gaya ng paglobo ng kaso noong Enero kung kailan nanalasa sa bansa ang Omicron variant of concern.

Ang projected cases, maglalaro lamang sa 5,000 pataas kada araw.

Samantala, ayon sa Octa hindi sagot ang panibagong lockdown upang maagapan na mangyari ang anomang surge.

Katunayan, kailangan lang mapataas ang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Octa Research Fellow Prof Ranjit Rye, malaki ang tiyansang magkaroon ng pagtaas ng kaso sa mga lugar na mababa ang vaccination coverage.

Nakapaloob dito ang primary series at booster vaccination rate.

Panawagan ng mga eksperto, sundin ang face mask policy at magpabakuna lalo na ang mga dapat nang magpa- booster shot.

Ayon sa health experts, kapag dumami uano ang may booster shots sa Pilipinas, hindi magiging malala ang epekto ng anomang bagong COVID-19 variants o Omicron Sublineages na makakapasok sa bansa.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,