Kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, muling umabot sa 5,000 sa loob ng 1 araw

by Erika Endraca | March 15, 2021 (Monday) | 1758

METRO MANILA – Sa katapusan ng Marso pa ang projection ng Octa Research Team na posibleng umabot sa 5,000 hanggang 6,000 ang Covid-19 cases sa bansa sa loob ng 1 araw.

Pero nito lamang Sabado, umabot na sa 5,000 ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas

Itinuturing itong pinakamataas na naitalang kaso sa loob ng 1 araw simula noong August 2020

Ayon sa IATF technical advisory group for Covid-19, nakaka-alarma ito lalo na at bumaba na ang kaso bago matapos ang taong 2020.

“Bigla na naman sumipa of course that is a source for concern. Very obvious naman marami talaga tayong nakikitang tao na hindi na nagsusuot ng face mask and face shield ng maayos. Medyo nakakampante , hindi na napapansi n physial distancing at time of interaction” ani IATF Technical Advisory Group for Covid-19 Member, Dr. Ana Ong- Lim.

Dahil dito, kinakailangan ding magkaroon ng pagpapaigting sa mga health protocols at Covid-19 response ang mga LGU.

“ I think we need to shift to what is called active surveillance para atin nang hanapin ang mga may sakit para kung hinid man nila alam mag- isolate at iyong mga kasama nila ay mag- qauarantine ay masabihan na sila kaagad sa lalong madaling panahon. Ang gusto actually natin at masakop lahat ng ito within 24 hour period para hindi na tumatagal ang pagkalat ng sakit in the communities para mas mapabilis nating mapababa ang number of cases “ ani IATF Technical Advisory Group for Covid-19 Member, Dr. Ana Ong- Lim.

Samantala, nagpositibo sa P.1 variant ang isang returning OFW galing sa Brazil.

Ayon sa DOH, tubo itong Western Visayas.

Ito ang kauna- unahang P.1 variant case sa Pilipinas.

Iniimbestisgahan pa ang naturang kaso para sa karagdagang impormasyon .

Mayroon ding naitalang 59 na bagong kaso ng B.1.17 o variant na unang natuklasan sa United Kingdom.

16 sa mga kaso ay local cases mula sa CAR, 10 mula sa NCR, 2 mula sa Central Luzon at 2 mula sa Calabarzon .

Sa kabuoan, 177 na ang B.1.1.7 cases sa bansa. 32 bagong kaso rin ng B.1.351 variant na natuklasan sa South Africa ang naitala ng DOH

19 sa mga local cases ay mula sa Metro Manila, tig- isang kaso ang naitala sa Cagayan Valley at Northern Mindanao. 90 na ang kabuoang B.1.351 cases sa bansa .

Ayon sa DOH, ang mabilis na pagtaas ng kaso sa bansa ay posibleng dulot ng mga umiiral na Covid-19 variants. Kaya naman pinapayuhan ang publiko na responsableng sundin ang mga umiiral na health protocols sa bansa .

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: